Wow Bigtime! Wedding Sponsors ni Jover Laurio Pinangunahan Nina VP Robredo,Kris, Trillanes, at Iba pa

Sa pagsisimula ng taon ay naging maugong muli ang pangalan ng anti-Duterte blogger na si Jover Laurio o mas kilala bilang si Pinoy Ako Blog (PAB). 

Wedding Sponsors Ni Jover Laurio 

Inihayag kamakailan ni Sass Rogando Sasot ang mga bigtime wedding sponsors ni Laurio sa nalalapit nitong kasal sa ika-16 ng Enero. Ang mga pangalan ng mga bigtime sponsors nito ay sina Vice-President Leni Robredo, Kris Aquino, Senators Risa Hontiveros, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes IV, kasama din ang Rappler CEO na si Maria Ressa, Magdalo Party-list representative Gary Alejano, ang mga aktor at aktres na sina Leah Navarro at Bart Guingona. Kasama din ang iba pang kilalang abogado, direktor, at iba pang personalidad.

Bigtime Connections 

Bagaman diumano ay walang trabaho, tila bigtime ang mga connections ni Laurio sa kanyang kasal. Ang pagkakasama ng pangalan ni Kris Aquino sa sponsors ni Laurio ay nagpalakas at nagpatibay ng mga nakaraang espekulasyon na si Aquino ay nagpopondo sa mga anti-duterte at anti-government articles na kumakalat sa social media. 

#PABoost 

Ang #PABoost issue ay nailunsad noong kasagsagan ng isyu nina Kris Aquino at Nicko Falcis na kapatid ni Jesus Falcis na kilala din bilang kritiko ng pangulong Duterte at administrasyon nito. Matatandaan diumano na inihayag ni Nicko Falcis, ang financial manager ni Kris Aquino na pinakiusapan sya ni Laurio na i-boost ang mga anti-government articles nito sa Facebook. May inilabas din na screenshot ng usapan nina Falcis at Laurio na kung saan ay sinabi ng huli na kailangan nito ng bagong credit card para sa kanyang mga social media campaigns. May screenshot din na magkakausap ang tatlo sa iisang Viber group (Aquino, Falcis, at Laurio). Ang pangalan ng viber group ng tatlo ay “Resibo Group.” 

Pinoy Ako Blog 

Matatandaang inihayag ni Jesus Falcis na nagpopondo si Kris Aquino ng P25,000 para sa mga anti-administration blogs ni Laurio. Nangyari ito matapos umugong at pumutok ang balitang nagsampa ng kaso ang aktres laban kay Falcis. Ganunpaman, hindi pa din nagbibigay ng pahayag si Laurio ukol sa mga akusasyon ni Atty. Jesus Falcis. 

Sa paglabas ng mga bigtime wedding sponsors ni Laurio, mas lumakas ang paniniwala ng mga netizen na isa itong bayarang mamamahayag. Anila, lumabas na ang mga pangalan ng mga taong nagpopondo upang hayagang siraan ang pangulo at ang kasalukuyang administrasyon. 

Ito naman ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa balitang ito.

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think