TALAGA? Mar Roxas Tumatakbo Raw Para sa Kinabukasan ng Pilipinas, Hindi Para sa Sarili

Sa nalalapit na halalan ng midterm elections para sa mga senador, kanya-kanyang pakulo at panliligaw na sa tao ang ginagawa ng mga kandidato. Nariyan ang kabi-kabilang posters, social media posts, o di kaya naman ay kanya kanyang produce ng kanilang video para maishare at magviral sa social media.

Not about me

Isa sa mga kandidato na naglabas ng video ay si senatorial candidate at dating presidential candidate na si Mar Roxas. Ayon sakanya, hindi naman daw para sakanya ang pagtakbo niya kundi para sa kinabukasan ng bansa.

I believe that the best days of our people and our country are in front of us. Ang aking pagtakbo ay para makatulong sa paghubog ng ating magandang parating.

Pagmamahal sa bayan

Ayon sa video ni Roxas, hindi na daw para sakanya o kanino man. Ito raw ay ang pagpapakita kung gaano kamahal ng taumbayan ang Pilipinas.Kung gaano katindi ang kagustuhan nitong mga na gawin ang lahat para sa ikakabubuti ng hinaharap.

“It’s not about me. It’s not about anyone. It’s about… (applause) How we do all that we can… for her. She’s the only one we got.”

Bagong buhay

Dadgdag pa ni Mar Roxas, mula daw noong 2016, o noong matalo siya sa presidential elections ay nagbago na ang buhay niya. Nagkaroon daw siya ng mas maraming time para sa pamilya niya, na malayo sa mata ng publiko.

Ayon sa kanya, naenjoy niya ng lubos ang oras na ito. At sa panahong ito, nakasalamuha siya ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang estado ng buhay. Doon daw niya nakita na mayroong magandang hinaharap ang Pilipinas.

Ito raw ang dahilan ng pagtakbo niya. Hindi para sakanya, hindi para sa tao, kundi para sa kinabukasan ng Pilipinas, na sa tingin niya ay siya ang makakapagbigay.

Sa loob ng tatlong oras, nagkaroon na ito ng lagpas 400 shares at 27k views. Ikaw ba? Ano ang paniniwala mo dito?

SOURCE: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think