PANOORIN: Pinay OFW na Iniwan ang Asawa at 5 Anak Para Sa Kalaguyong Engineer, Nakatakdang Ipadeport ni Raffy Tulfo

Sa pagpapatuloy ng istorya ng isang ginang na OFW na nilayasan ang kanyang asawa at limang anak, nagkaroon ng pagkakataon ang himpulan ni Raffy Tulfo na makontak ang mga inireklamong sina Sheerlyn Gerasta at kalaguyong si Edwin “Kimpoy” Madredio. 

Si Kimpoy ay isang engineer sa Jeddah at si Sheerlyn naman ay nasa Riyadh. Ang asawa ni Sheerlyn na si Charlie ay dumulog sa opisina ni Raffy Tulfo upang manghingi ng tulong kasama ng kanyang 5 mga anak. Si Charlie na isang tricycle driver ang nag-aalaga sa kanilang 5 anak habang nasa Saudi ang asawa. Sa naunang panayam kay Charlie, inilabas nito ang lungkot at galit sa nagawang pakikiapid ng asawa nito habang nasa abroad. 

Ang Pag-amin

Naging maanghang ang pag-uusap sa gitna ni Raffy at ng nirereklamong si Edwin. Tila aniya ay may yabang sa ere nito na kung saan ay inamin nito ang ginawang hamon kay Charlie kasagsagan ng mga panahong nagmamakaawa ito na hiwalayan nito ang kanyang asawa. Aniya, kung may utak umano ang pobreng ama ay ipa-deport sila. 

Galit ang namayani kay Raffy sa pag-uusap ng dalawa. Hindi nito nakitaan ng pagka-sinsero sa mga salita nito bagkus ay patuloy lang na pinabubulaanan na siya at si Sheerlyn ay may relasyon hanggang ngayon. Ayon dito ay kahit kailanman ay di sila nagkita at sa chat lamang sila naging magkarelasyon. 

Banat Ni Raffy

Nagbanta si Raffy na itutuloy nito ang pagpapadeport sa nasabing engineer. Inis at pagkadismaya naman ang naramdaman nina Charlie at mga anak nito matapos ang mahabang pag-uusap kasama si Sheerlyn ay tila yabang at taray ang ipinapakita nito. Ibinahagi ni Charlie na ikatlong beses na nangyari na nahuli nito ang asawa na may iba. Ang una ay sa isang tomboy ma nagngangalang Sally, ikalawa ay sa lalaking pinangalanang si Dondon at ikatlo ay si Edwin.

Pagtalikod Sa Pamilya 

Iyak at hagulgol naman ang mga anak nina Charlie at Sheerlyn nang tuluyang magdesisyon ang huli na mas pinipili nito sa Edwin kaysa sa kanyang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Nang tanungin ni Raffy ang panganay ukol sa tangkang pagpapakulong sa ina nito, mariin nitong sinabi na ayaw nitong makulong ang ina. 

Sa kanilang dako, nakahingi ng tulong si Raffy kay OWWA deputy administrator Arnel Ignacio upang mapabilis ang pagpapadeport sa dalawang inirereklamo. 

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think