Nako naman! Mislatel Consortium, Handang Makipag-Partner sa PLDT-Smart, Globe at Iba pa

Isa sa mga pangunahing problema na dapat malutas ng gobyerno ay ang mabagal at pangit na serbisyo ng mga telecommunications company mapa-internet o load sa cellphone.

Mabagal na serbisyo

Marahil ay marami na sa atin ang nakaranas na manakawan ng cellphone load. At hindi naman kayanggi-tanggi na nakakainis ito dahil sarili nating pera ang iginugugol natin para rito at bigla na lamang mawawala sa oras na kailangan natin tumawag o magtext. Isa pa, halos lahat ng Pilipino ay nakararanas din ng mabagal na internet na kung saan ay higit na kinaiinisan ng madami. Bilang isa sa mga text capital na bansa, hinahangad ng madaming Pilipino ang magkaroon ng magandang serbisyo mula sa isang Telco para naman maramdaman na sulit ang binabayad sa bawat buwan.

Bagong Telco company

Nitong nakaraan lang ay idineklara na ng Natuonal Telecommunications Commission o NTC ang bagong telco player, ang Mislatel Consortium. Ito ay handang makipagsabayan sa mga malalaking telco player sa kasalukuyan. Nagpahayag naman ang Mislatel na handa itong makipag-partner sa iba pang telco company tulad ng PLDT-Smart at Globe para sa tower sharing. Para naman sa mga small telco players ay handa silang maging business partner ng mga ito upang mapabilis ang roll-out ng mga ito.

Sa isang press conference, sinabi ni Mislatel spokesperson Adel Tamano na handa din diumano ang kanilang kumpanya na makipag-partner sa mga nakasabayang nag-bid para sa proyekto. Ganunpaman, klinaro ng kumpanya na limitado lamang sa commercial partnership ang handa nilang ialok sa ibang telco company.

Mislatel Consortium

Ang Mislatel Consortium ay pag-aari ng businessman mula sa Davao na sina Dennis Uy ng Udenna Corporation, Chelsea Logistics Holdings Corp at China Telecommunications Corp bilang foreign business partner nito.

Ang Mislatel ay may kaukulang 90 days para maisumite ang kanilang roll-out plan, organizational structure, at humigit kumulang na P25 bilyon na security bond. Inaasahan ang kumpanya na makapagcommit ng 37.03 percent ng nationwide coverage, minimum ng 27mbps speed per second at P150 milyon na capex/opex sa unang taon ng operasyon nito.

Ayon sa report mula sa GMA News, si Dennis Uy ay isa sa mga malalaking backer ni Pangulong Duterte sa nakaraang 2016 Presidential election.

Ito naman ang naging komento ng ilang kababayan natin.

SOURCE: GMA NEWS

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think