LOOK: Teleseryeng “Ang Probinsyano,” Sinita Ni PNP Chief Albayalde Sa Maling Paglalarawan Sa Mga Pulis

Di kaila sa mga tao na may mangilan-ngilang mga pulis ang nasasangkot sa mga iligal na gawain. Kaya naman minabuting linisin ng Pangulong Duterte ang hanay ng Philippine National Police na kung saan tinuldukan na ang mga masasamang gawain ng mga ito.
Sa pag-upo bilang pangulo ni Duterte noong 2016, pinalakas nito ang PNP police na kung saan ay binigyan sila ng karagdagang sahod, pabahay, at iba pang benepisyo, kapalit ng buhay at seguridad habang ginagampanan ang sumpang pakaiingatan at aalagaan ang bansa.

Ang Probinsyano

Isang sikat na teleserye naman ng ABS-CBN ang pinalagan ni PNP Chief Oscar Albayalde na kung saan ay ipinapakitang nagkasabwat sa masasamang gawain ang PNP Chief Tirante (sa pagganap ni Soliman Cruz) at Presidente Lucas Cabrera na ginaganapan ni Edu Manzano. Ang mga ito ang nakatawag ng pansin ni Albayalde na ayon dito ay hindi naman nangyayari sa totoong buhay. Dagdag pa aniya ay mali ang pagsasalarawan nito ng PNP.

Sa isang press conference ay inilahad ni Albayalde ang kanyang saloobin ukol sa teleserye,

“Things are quite unusual here and it gives us a bad impression actually. It’s a bit unfair to PNP when you portray that kind of activity that doesn’t really happen in our organization”

Pahayag pa nito ay tila hindi patas ang pagganap ng mga ito sa kapulisan.

“Lets be realistic. It is very disturbing at para kasing nakikita nung mga tao ay instant yung justice. Parang it is ok, it is not. We are a nation of law, not of men.”

Ngayon ay nagpadala na ng sulat ang PNP Chief sa MTRCB ukol sa usapin. Hiling din nito na makausap ang producer ng naturang programa.

Depensa ng ABS-CBN

Dumepensa naman ang ABS-CBN sa pahayag nito na ang mga pagganap na ito ay kathang isip lamang na syang ipinapalabas sa pagsimula ng teleserye.

Sari-saring espekulasyon

Marami naman ang sumuporta sa nasabing pahayag ng PNP Chief. Mas lalong umigting ang iba’t-ibang espekulasyon na ginagamit diumano ng ABS-CBN ang programang “Ang Probinsyano” para sirain ang hanay ng PNP. Matatandaang galit ang pangulong Duterte sa TV network dahil sa hindi pag-ere nito ng kanyang campign ads noong 2016 election. Noong nakaraang linggo ay nagpasaring ang pangulo na hindi nito pipirmahan ang renewal ng kontrata ng nasabing network.

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens ukol sa isyu:

Source: Youtube

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think