LOOK: OWWA Deputy Administrator, Nagbantang Ipapahanap sa Saudi ang Magkalaguyong Engineer at Pinay OFW; Deportation Planong Ikasa

Isa sa mga nakapagpainit ng ulo ng mga netizen ay ang pag-iwan ng isang Pinay OFW sa Saudi sa kanyang asawang tricycle driver at 5 mga anak para sa kanyang bagong boyfriend na engineer na kasalukuyang nasa Saudi Arabia din. Ang nagrereklamong si Charlie na asawa ni Sheerlyn Gerasta ay kaagapay ng kanyang 5 mga anak sa paglapit sa opisina ni Raffy Tulfo para makahingi ng tulong. 

Photo source: Sheerlyn Gerasta
Photo source: Sheerlyn Gerasta

Mapagmataas At Hindi Sinsero 

Via phone patch ay nakapanayam ni Tulfo ang nirereklamong bagong kalaguyo ni Sheerlyn na si Edwin “Kimpoy” Madredio. Tila hindi naging maganda ang takbo ng usapan sa pagitan nila Raffy, Charlie, at Kimpoy. Sa kabilang dako ay naging mapagmataas naman ang pinay OFW na si Sheerlyn at tila na nagmamatigas na hindi na nito babalikan ang kanyang naiwang pamilya sa Pilipinas, partikular sa asawang si Charlie. 

Photo source: Sheerlyn Gerasta
Photo source: Sheerlyn Gerasta

Aksyon Mula Kay Arnel Ignacio 

At bilang OFW ang dalawang inirereklamo ay minabuti ni Raffy na makakuha ng tulong mula sa OWWA. Lingid sa kaalaman ng mga manonood at ng mga sangkot sa problema ay nakikinig si Arnel Ignacio, ang Deputy administrator ng OWWA. Bakas sa boses nito ang inis at galit na nararamdaman nito sa napapakinggang usapan ng magkabilang partido. Nagbigay ito ng suporta sa kawawang asawa ni Sheerlyn na syang inaalipusta nito at ng kanyang sinasabing kalaguyo. Nakapagbitiw pa ito ng masamang salita bunsod ng lubos na galit. Tinawag nitong g*g* si Edwin dahil sa pakikiapid sa may asawa. 

Tinapatan Ang Hamon 

Naipahayag ni Charlie na minsang nasaktan ito sa hamon ni Edwin sakanya matapos nito magmakaawa na ibalik ng huli ang kanyang asawa sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Ayon sa salaysay ng tricycle driver, hinamon sya nito na kung may utak diumano ito ay ipadeport sila nito mula sa Saudi. Hindi alam ang gagawin, minabuti ni Charlie na pumunta sa himpilan ni Tulfo upang matulungan na makakamit ng hustisya.

Hamon ni Ignacio, gagamitin nito lahat ng koneksyon nito sa Saudi upang mapahanap ang dalawang magkalaguyo at mapadeport ito.

Nagsanib pwersa naman ang OWWA deputy admin at si Raffy Tulfo at nangakong tututukan ang kasong ito. Nagbigay din sila ng pangako mapapakulong ang mga inirereklamo kung sakaling walang balak iatras ni Charlie ang kaso.

Panoorin ang Video sa 17:00 para mapakinggan ang mga banat ni Arnel Ignacio.

Source: Facebook

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think