LOOK: NPA, Posibleng Maubos sa 2019 ayon sa Armed Forces of the Philippines!

Maari umanong mapulbos na ng tuluyan ang mga New People’s Army (NPA) sa Agusan Del Norter at Bukidnon ngayong 2019. Ito ay pahayag ni 4th Infantry Division Commander Major General Ronald Villanueva sa panayam sa kanya sa media company na DZRH. Ayon kay Major General Villanueva, madami-dami na daw nagawang hakbang ang kasundluhan para makubkob ang mga rebeldeng komunista sa mga nasabing lalawigan, kaya lubos na naniniwala ang 4th infantry division na mapupuksa na ng tuluyan ang mga bandido grupo ngayong taon.

“Possible. Kasi sa 2018 pa lang ay malaki-laki na ang nagawa natin. It is just a foloow-up or sustained the efforts of the military. This year, this should be complimented bu a whole-of-government or a whole-of-nation approach,” sabi ni Villanueva.

Kamakailan lang ay binanggit ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., na mauubos na nga ang mga bandido ngayong 2019. Ang kampanya laban sa mga NPA ay ipinangakong itutuloy naman ng kasalukuyang Chief of Staff ng AFP na si Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. Ang pagpuksa sa mga rebeldeng komunista ay alinsunod din sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaugnay na balita, 2 ang nadedo sa panig ng mga NPA sa mabundok na bahagi ng Bukidnon at ng Agusan Del Sur matapos matuklasan ang lungga ng mga NPA. Nakumpiska sa nasabing lugar ang ilang armas.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin tungkol sa magiging lagay ng mga NPA sa 2019.

Source: DZRH

What do you think about this article? Make sure to leave a comment below!
Loading...
Tell Us What You Think